Pahinga ako ngayong sababo at linggo. Masama rin kasi ang naging pakiramdam ko at tila ako'y lalagnatin na ewan dahil sa ubo kaya kung meron man akong lakad, baka mag-pass muna din ako. Ngunit sa mga oras naman na ito ay mabuti buti na rin ang aking pakiramdam. Himala talaga wala akong lakad... Wala talaga, sapagkat inilaan ko talaga ang weekend na ito para ako'y makapagpahinga. Pero, ngunit, lumabas pa rin ako sapagkat kailangan kong kumain... Alam nyo naman, walang sariling kusina ang inyong likod. =(
Destination: Glorietta
Noong bata ako, kapag narinig ko ang mall na Glorietta, tatlong bagay lang ang pumapasok sa aking isipan... una pang-mayaman, ikalawa sosyal at ikatlo - may artista. Siguro ay dahil ang nai-istablisang imahe ng Glorietta ay ganoon nga... sapagkat nasa area ito ng Makati at hindi ako pamilyar sa lugar na yaon.
Dahil nga wala akong sariling bahay, malamang wala rin akong sariling kusina kaya ang pagkain ko ay sa kung saan-saan. Kaya sa hanggang minsan isang araw, nakarating ako ng Glorietta para kumain. Mula noon, madalas tuwing sabado at linggo ay nakagisnan ko na itong puntahan para tikman at iba't iba nilang kainan.
Marami talagang kainan sa Glorietta, merong pang-masa at meron ding pang-masa-hol na presyo ng pagkain. Hindi ko na iisa-isahin pa ang mga ito. Meron din malaking ground sa gitna ang Glorietta kung saan madalas ginaganap ang kanilang mga mall events, promo at iba pa. Kung wala namang aktibidad, ito ang nagsisilbing playground ng mga bata. May palaruan.
Madali lang naman itong puntahan... Kung pamilyar ka sa MRT, bumili ka lamang ng card patungong Ayala at sa mismong pagbaba mo, may daan na patungong Glorietta. Paglabas mo ng tren ay makikita mo ang hagdanan o escalator paakyat para sa paglabas istasyon. Paglabas mo, sa dulo ng station sa gawing kaliwa ay makikita mo ang entrance ng SM Makati, naroon ang daan. Kailangan mong pumasok sa SM Makati at bumaba ng isang palapag sa pinaka-unang escalator na iyong makikita. Pagkatapos nito, diretsuhin mo lamang iyon at sa dulo ay ang entrance na ng Glorietta, makikita mo doon ang National Book Store at katapat ay tindahan ng laruan. Di ba, madali lang =)
Ang MRT pala ay ang Tren na ang biyahe ay North - Taft. Nagsisimula ito sa may TriNoma patungong Quezon Ave., GMA-Kamuning, Cubao, Santolan-Annapolis, Ortigas, Shaw, Boni, Guadalupe, Buendia, Ayala, Magallanes at Taft. (Hahaha..dapat ibang topic na ito.)
Balik tayo ng Glorietta. Noon, pangarap ko lang mapuntahan ang mall na ito... hindi ko inakalang darating ang panahon na ako'y magiging isang palaboy at gagawing kusina ang mall na dati'y akin lang pinapangarap... Kaya sa mga hindi pa nakakapunta, huwag kayo mahiya. Kahit naka-pangbahay ka lang, walang masama. Kung wala kang pera, hindi rin bawal ang tambay lang.
Monday, October 20, 2008
Gloriettambayan
Labels:
Ayala,
Boni,
Buendia,
Cubao,
Glorietta,
GMA-Kamuning,
Guadalupe,
Magallanes,
MRT,
National Book Store,
Ortigas,
Quezon Ave.,
Santolan-Annapolis,
Shaw,
SM Makati,
Taft
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Glorieta? Eun eung sumabog diba? Hehe. Hay! Ako dn masama pakiramdam. Ay may sakit na pala talaga. Huhu. Nilagnat pa ko, e nasa bahay lang naman ako. Tsk tsk!
magpagaling ka =) tama ka, ang Glorietta nga ang Mall na may sumabog noong nakaraang taon, marami ang nabawian ng buahy. ngunit isang parte lamang ng Mall ang sumabog, may natitira pang 3 ;)
wala pang new post? :(
meron ng bago... wala nga lang kwentong pang-palaboy. medyo pang-demokrasya meron :)
Post a Comment