Sawa ka na bang kumain ng fastfood tulad ng Jollibee, Mcdo, Chowking, Greenwhich at KFC? Kung hindi pa, sige kain ka lang....
Dahil ako, sawa na. Kaya kanina, naisipan naming kumain naman sa Tang City - isang Authentic Chinese Restaurant (Self-proclaimed nila) para maiba. Hindi naman siya ganun ka-pormal na kainan (hindi naman dahil resto siya eh sosi na) sapagkat simple lang naman ang ayos nito. Yun nga lang, syempre, medyo angat ng presyo nito sa mga ibang fast food chains.

Pero nga lang, kung kuripot ka, masasabi mong mahal dahil ang isang Root beer in can, ang presyo ay Php40.00. Kung sa Point-point ka bibili, (sosi term for turo-turo hehehe) isang meal na yun. Pero, minsan minsan lang naman. At least, ma-experience mo naman kumain doon kaya kung gusto mo mag-food trip, wag ka na sa Jollibee, common na ang pagkain, subukan mo sa Tang City - one of the new sensations in Chinese dining in Metro Manila.
Ting ting ting, ting ting ting ting ting ting ting... ^_^
3 comments:
Hi. Na add na kta sa link-ex page ku. :) hehe. nice blog
meron bang kinalaman ang ting ting ting ting pag nakarating ako d'yan sa tang-city baka kasi meron libreng meal pag tunog ng ting ting ting para alam ko na hahaha. Pero, maraming salamat sa iyo (anu ka ba? kapuso o kapamilya) hehehehe siguro maski anu na doon sa dalawa mahalaga na ibahagi mo ito sa amin.
Lyrics ito ng theme ng Tang City. Napakaganda di ba?^_^ Maraming salamat sa iyong pagsabay sana next time mailibre mo ako ng pamasahe.
Post a Comment